Maraming mga napapanahong isyu sa ating bansa. Kabilang na dito ang usaping eleksyon. Ngayong nalalapit na naman ang halalan, marami na namang mga pulitikoang maghahayag ng kanilang mga plataporma tungo sa magandang kinabukasan ng ating bayan. Eleksyon ang isa sa pinakahihintay nating mga mamamayan, sapagkat dito tayo umaasa ng pagbabago. Pagbabago na magmumula sa pagpili ng tamang lider para mamuno at magpatakbo ng pamayanang nasasakupan niya. Pero bakit nga ba hanggang ngayo'y wala pa ring pagbabagong nagaganap sa ating bansa? Kasalanan ba natin ito? O kasalanan ng pinunong pinili natin?
Karamihan sa mga pulitiko ay gustong manalo kaya gumagawa sila ng kanya kanyang hakbang. Iba't ibang politiko ang natakbo at naghahayag ng kanilang plataporma para makakuha ng boto. Sinasabing isa itong isyu ng ating lipunan, dahil isa rin itong dahilan ng kahirapan. Kapag naluklok na kasi ang isang pulitiko sa kanyang pwesto ay nakakalimutan na rin niya ang mga pangakong binitiwan niya sa mga mamamayan. Nagiging korup sila at ginagamit ang pera ng bayan o mas kilala sa tinatawag na buwis. Kung saan sa buwis ng bayan tayo kumukuha ng pangangailangan at pagpapaunlad sa ating industriya at ekonomiya. Maraming mga taong ganyan, lalo na sa pulitika. Masyado silang nasisilaw sa pera kung kaya't ang dapat paglilingkod sa bayan ay nagiging pasarap buhay lamang nila. Napako na lahat ng pangakong sinabi nila. Kaya naman walang pagbabagong nagaganap. At wala talagang magbabago sa isyung ito kung patuloy tayong pipili ng maling lider.
Ang pagboto ay isang marka na malaya tayong pumili ng ating lider. Ito ay sumidimbolo din na tayo'y isang demokratikong bansa at namumuhay ng malaya. Tayo bilang isang mamamayan ng ating bayan ang mayroong kakayahang pumili ng karapat dapat na lider na sa tingin natin ay kaya tayong pamunuan ng tama. Sa pagpili ng tamang lider ay dapat may mga katangian ng isang pagiging mabuting lider. Una na ang pagkakaroon ng kakayahang mamuno. Iniisip muna ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya. Mayroon ding isang salita at paninindigan sa mga pangakong kanyang inihayag upang siya'y maluklok sa pwesto. Hindi yung basta basta ipapako ang mga salitang binitawan nita at iiwang naghihirap ang kanyang mga mamamayan. Huwag korup, sapagkat isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi tayo nagtatagumpay sa pagbabagong ating inaasam.
Ang tamang pagboto ay daan para sa ating pagbabago. Ito ay hindi nagsisimula sa pagtatapos ng halalan sa eleksyon. Ito ay mahabang proseso ng nagsisimula sa taong bayan na mayroong matalinong pagpili. Ang eleksyon ay isa lamang hakbang para sa pag-unlad ng ating bayan.

Sana ay masolusyonan ang isyu na yan.
ReplyDeleteTama. Dapat ay maging wais tayo sa pagpili ng lider
ReplyDeleteCorrect
ReplyDeleteTama.
ReplyDeleteDapat tayo ay maging tapat at responsableng mga mamamayan sa pagpili at pagboto sa darating na halalan
ReplyDeletedapat alam natin kung sino ang makakatulong sa mamamayan
ReplyDeleteSana masolusyunan ito
ReplyDelete